WebClick Tracer

Anak nina Marian, Dingdong may kakaibang pet

Naaliw ang mga faney nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa kakaibang pet ng bunsong anak nila na si Sixto.

Pinagbigyan nga ng mag-asawa ang kakaibang hiling ni Sixto,sa kanyang 7th birthday.

Sa Instagram Story post ni Marian sinabi niyang “On your 7th birthday, Sixto, you wished for something simple yet special–a pet chicken.

“Today, we’re so happy to grant your wish. Happy birthday, our love,” sey ni Marian

Pinasalamatan naman niya ang @kapampangans_betta “For making this possible.”

Sa Facebook page naman ni Marian ay makikita ang anak na si Sixto na hawak ang pet chicken habang hinihipan ang kandila sa birthday cake.

Obvious na ang saya ng bunso nina Marian at Dingdong na natupad ang kakaibang wish nito at may pet chicken na nga siya.

So nice! (Jun Lalin)