WebClick Tracer

Marian napa-belat sa isyung lilipat sa Kapamilya

Mainit nga ang chika na kesyo lalayasan na ni Marian Rivera ang GMA-7 at lilipat sa ABS-CBN 2, ha!

Na may magandang offer nga raw si Marian sa Kapamilya network. At medyo matagal-tagal na rin daw kasi si Marian na hindi umaarte sa harap ng kamera.

Ang show lang niya sa GMA ngayon ay ang ‘Dance with the Stars’ kasama, ha! At base sa huling chikahan namin, super enjoy siya sa show na ito, dahil kering-keri nga sa oras niya, na hindi kailangan ang matinding puyatan.

Pero, mas bet daw ni Marian na gumawa ng serye.

Well, ang alam ko lang, marami naman talagang offer kay Marian, pero sinasala talaga niya lahat, na dapat ay bet na bet talaga niya ang isang proyekto, para mapalabas siya ng bahay at mag-taping.

Eh, ‘di ba? Since lumalaki na rin ang mga anak nila ni Dingdong Dantes, kaya si Marian, mas nagbibigay ng oras sa mga bata.

Anyway, nag-message nga ako kay Marian, na kalakip pa ang kuwento na matunog nga ang chika na lilipat siya sa ABS-CBN.

Pero ang sagot ni Marian, isang emoji. Emoji na face with stuck out tongue and tightly-closed eyes.

Na ang meaning nga raw ng stuck out tongue emojis are used when someone is feeling particularly goofy or awkward.

At puwede rin naman na tinawanan lang ni Marian ang chika, na sinamahan pa niya ng pagdila o pagbelat.

Kaloka!