Mas hanash ba si KD Estrada tungkol sa hiwalayan?
Sa latest post kasi niya sa Instagram ay may pics siya na nasa backstage ng “ASAP”.
Tanging “@asapofficial” lang ang caption ni KD.
Pero ang background music naman na ginamit niya ay ang “Imahe” ng Magnus Haven.
Ang lyric no’n ay “Hindi na maibabalik ang dati nating
pagsasama.
“Ang tamis ng iyong halik ay ‘di na madarama.
“Pangako sa isa’t isa ay ‘di na mabubuhay pa.
“Paalam sa ‘ting pag-ibig na minsa’y pinag-isa.
“Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana.
“Sadyang mapaglaro itong mundo.
“Kinalimutan kahit nahihirapan.
“Para sa sariling kapakanan.
“Kinalimutan kahit…”
Ang tanong tuloy ng iba, dahil ba sa sinasabing hiwalay na sila ng ka-love team niyang si Alexa Ilacad na ipa-partner na kay BGYO Gelo Rivera?
Well… (Jun Lalin)












