WebClick Tracer

‘ASAP’ natalakan, Alexa ‘di binanggit title ng Hollywood animated film ni Liza

Nadine Lustre na gaganap bilang nanay sa pelikulang Call Me Mother habang ibinibida ang kanyang hilig sa pagsusulat ng musika.

May ilang nam-bash sa “ASAP” dahil sa hindi pagbanggit sa show ng title ng latest Hollywood movie ni Liza Soberano na “Forgotten Island”.

Kuda ng ilang fan ni Liza, tila may tampo pa raw ang Kapamilya sa dati nitong prime talent kaya hindi mabanggit sa programa nila ang title ng movie ng Hollywood actress.

Nilinaw naman ng ilang fans ni Alexa Ilacad na adlib lang iyon ng idol nila dahil sa saya ng actress-singer na makakita ng Filipino representation sa Hollywood.

Pinanood nga namin ang latest episode “ASAP” kung saan sa 3rd body nito ay napag-usapan ng mga host na sina Robi Domingo, Darren, Gary Valenciano, at Alexa ang mga Pinoy na nasa global stage.

Binanggit nga ni Robi si Matty Juniosa na nakakuha ng Golden Buzzer sa latest season ng “Britain’s Got Talent”, si Lea Salonga na bida sa world tour ng “Les Miserables”.

At dito na nga nagsalita si Alexa.

“And it’s also nice to see Filipino representation not just sa musicals but also in Hollywood, sa movies. It’s amazing, Tito Gary. We see our jeepneys, folklore like aswang, etc. It is so nice,” sey ni Alexa.

Tama nga ang mga fan ni Alexa sa mga kuda nila na wala naman kasalanan ang “ASAP” sa pangyayaring ‘yon at hindi lang talaga nabanggit ng dating ka-love team ni KD Estrada ang title ng Hollywood animated film ni Liza.

Anyway, sa ngayon naman ay burado na ang mga post laban sa “ASAP”.

‘Yun na!