Halatang excited ang fans ng BINI worldwide at tinutukan talaga nila ang kauna-unahang live ng P-pop queens sa Weverse.
Kumpleto sina Jhoanna, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Sheena, at Aiah nang humarap sila sa Weverse followers worldwide nitong Martes ng umaga.
Kaya naman hindi na kata-takang nakahamig agad ang nasabing live ng Nation’s Girl Group ng 416K viewers and 21.1M likes.
Medyo kinabahan lang noong una ang solid fans ng grupo dahil tatlong members nila ang nagkaroon ng medical problem nitong Linggo kaya nga absent sina Maloi, Mikha, at Stacey sa ganap ng BINI sa Alabang.
Pero kapansin-pansin pa rin ang suot na face mask ni BINI Mikha na mukhang hindi pa rin nakaka-recover sa kanyang dental surgery. At least, sumama siya sa first Weverse live nila.
Bongga! What a record for their first Weverse live kaya tigilan na ang pang-iintriga, ha!
Congrats, BINI! (Ogie Rodriguez)












