WebClick Tracer

Shuvee binash, inintriga sa premyong dinonate

Pansin na pansin ng mga atrebidang netizen na very timing daw ang pagpapalabas ng guesting ni Shuvee Etrata sa Kapuso game show ni Dingdong Dantes kung saan napanalunan ng team nito ang P200,000 jackpot prize.

Pero mas na-shookt ang viewers ng show at cyber citizens nang pinili ni Shuvee at ng mga kasama niya sa team na sina Anthony, Eugene, at Thazzia ang Angat Pinas Inc. Foundation bilang chosen charity nila.

Ang nasabing non-profit organization kasi ay ang dating “Angat Buhay” na itinatag ni dating Vice President Leni Robredo noong 2022.

Hinala tuloy ng mga intrigerang tambay sa socmed, mukhang sinadya raw ang airing ng show para mapagtakpan ang isyung pilit na ibinabato at ibinabalik ng bashers kay Shuvee.

Nitong Huwebes kasi ay muling inungkat ang lumang video ni Shuvee tungkol sa dating Pangulong Rodrigo Duterte at pagkaaresto nito.

Kung matatandaan, last Wednesday ay ginunita ang first anniversary ng pag-arrest and detention ni PPRD sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Nakakaloka ang mga memang netizen, ayaw talaga nilang tantanan ang aktres dahil lang sa viral video na iyon. Mahirap na rin kasing burahin ang reel na ito dahil sa sinasabing digital footprints.

‘Yun na!