WebClick Tracer

Dingdong, ex ni Marian nagharap

Trending ang guesting ni Ervic Vijandre sa game show ni Dingdong Dantes na ipinalabas noong Miyerkoles.

Kinaaliwan ng fans at casuals ang pagtatagpong iyon nina Dingdong at Ervic.

Inulan ng papuri ng viewers at netizens ang very civil na pagsasama na iyon sa show ng asawa at ex-boyfriend ni Marian Rivera.

Common knowledge naman kasi sa showbiz na si San Juan City Councilor Ervic ang dyowa ni Marian bago nito maging boyfriend at mapangasawa si Dong.

Hindi yata aware ang mga atrebidang netizen na matagal nang nagkatrabaho ang dalawang aktor at hindi ito ang unang beses na nag-guest ang ex-boyfriend ni Marian sa show ni Dingdong.

Noong March 2026 ay naging player na rin si Ervic sa game show na iniho-host ni Dingdong kasama pa ang nanay, tiyahin, at kapatid.

Obviously, matagal nang walang awkward moment between Dong and Ervic.

Hopia naman ang mga intrigerang tambay sa socmed na sana ganoon din daw ka-civil sina Marian at ex-girlfriend ni Dong na si Karylle.

Sana nga!