Iba rin si Alexa Ilacad sa kanyang birthday pictorial.
Eh 26 years na nga si Alexa kaya kakaiba ang ginawa niyang birthday pictorial.
May patakam siya bilang isang girl at talaga namang ang sexy ni Alexa, ha!
Pero nagpaka-mhin din siya.
Siya si Alx bilang lalaki.
Yes, babae’t lalaki nga ang concept ng birthday pictorial na iyon ni Alexa kaya naman marami ang natuwa.
Si Rufa Mae Quinto nga, bukod sa nagsabi ng happy birthday ay pinasin na “Omg pogi crush haha.”
Sabi naman ng isa pang nagkomento, “Grabeng facecard yan unisex.”
Anyway, mukhang may party naman si Alexa para sa kanyang 26th birthday dahil nang bumati si Maja ng “Happy Birthday Beautiful” ay sinagot agad ‘yon ng Kapamilya actress-singer ng “Thank you, Ate Maj! See you later.”
Isa nga pala ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga bumati kay Alexa at sinabing “Happy Birthday Pretty! Love you!”
In fairness, ang pretty at sexy nga talaga ni Alexa sa pictorial na iyon. At bilang si Alx naman na lalaki, “guwapo” siya, ha!
‘Yun na! (Jun Lalin)












