Mabilis na pinabulaanan ni Dingdong Dantes ang lumabas na statement kaugnay sa pagdedeklara ni Vice President Sara Duterte ng intensiyon na kumandidatong Presidente ng bansa sa 2028 elections.
Napakarami naman kasi ang agad na nag-share sa social media ng statement daw ni Dong tungkol doon.
Nang dumating nga sa kaalaman ni Dingdong na nagagamit siya ng ilang fake content creators ay mabilis na umaksiyon ang aktor at nilinaw na hindi niya sinabi o hindi galing sa kanya ang statement na lumabas.
Ang naka-post naman kasi, “Dingdong Dantes said!!!
“Nakakatakot pag nanalo si VP Sara. Nakikita sa kanya ang tapang, talion at abilidad na may kakayahang mamuno haya ng KANYANG AMA.”
Simple lang ang sagot ni Dingdong, “Hindi ko ito sinabi,” kasunod ang emoji na nagiging paborito niya yatang gamitin ngayon, na may isang palad na nakatakip sa mukha.
‘Yun nga lang, kapansin-pansin na marami na ang nag-like at halos may 100k na ang fake statement kaya ang dami na agad napaniwala.
Ilan sa comment din, “Mga manggagamit talaga!”
“Kaya pala DDS (Dingdong Dantes Said) Lmao.”
“Bigyan ng leksyon yan. Ang daming nagkalat na ganyan kahit sa threads.”
Bigyan nga kaya ni Dong ng leksiyon ang gumawa ng fake statement na iyon?
Well…












