WebClick Tracer

KD nag-display ng tiyan

Nataranta ang mga faney ni KD Estrada dahil sa pics na pinost niya sa kanyang Instagram account, ha!

Ang isa ay nasa dagat siya na tila throwback pic kung saan ay hindi pa kagandahan ang kanyang katawan.

Sa isang pic naman ay nasa gym siya at medyo gumanda na nga ang kanyang body at naka-display rin ang kanyang tiyan.

Sabi ni KD sa post: “Sobrang layo pa, pero malayo na (siguro),” na sinamahan niya ng laughing face emoji.

Marahil ang sinasabi ni KD na “sobrang layo pa” ay dahil wala pa rin naman siyang “pandesal”. Na hindi pa nga obvious ang kanyang abs.

Sey naman ng mga faney, okey lang ang gano’ng post ni KD dahil yummylicious na raw ang tiyan ng aktor.

Komento naman ng isang kaibigan namin, “Tiyan pa lang ni KD, ‘ulan’ na!”

Nakakaloka, ha! (Jun Lalin)