Iba rin ang datingan ng magka-love team na KD Estrada at Alexa Ilacad, ha!
Si KD kasi, may pa-throwback sa ilang pictures na ang sabi niya ay “Got that skinny boy swagger singer #2016.”
Si Alexa naman, may pa-throwback pics din.
Tungkol naman sa pagiging “rockstar” niya ang binida ni Alexa sa ilang pics.
Sey niya “16 years old me was living her rockstar dream.”
Tsika naman ng mga faney nina KD at Alexa, astig daw ang magka-love team sa binida nilang pics from 10 years ago.
Pero ngayon naman, medyo malaman na si KD at mas yummy na ang dating niya.
Si Alexa naman, mas labas na ang pagiging sexy.
Anyway, marami ang naiinip kung kailan ba mas magiging open sina KD at Alexa kung anong meron na nga sila.
May mga nagsasabi kasing feeling nila ay may “something special” talaga sa magka-love team.
Ang wish naman ng iba, sana ay mas maging open na sina KD at Alexa ngayong 2026 kung ano na nga ba ang status nila.
‘Yun na! (Jun Lalin)












