WebClick Tracer

Walang ganap! KD, Alexa kinaiinipan na

Kinakalampag ng mga netizen ang management ng ABS-CBN na pagsamahin sina KD Estrada at Alexa Ilacad sa pagbabalik ng programang “Y Speak”.

Kumpirmado na nga ang pagbabalik ng youth-oriented debate show na “Y Speak” na hinost dati ni Bianca Gonzalez.

Mismong si Father Tito Caluag ang nagkumpirma nito sa kanyang Instagram post.

Sa nasabing post, kasama niya sa photo sina Ralph de Leon, River Joseph, Elijah Canlas, at KD na mga bagong host or YSpeakers ng nasabing programa.

“Meet the four new YSpeakers – with the joining of two young ladies being worked out – Elijah Canlas, KD Estrada, River Joseph and Ralph de Leon,” caption ni Father Tito sa kanyang post.

Base nga sa caption ni Father Tito ay may dalawang female host pang makakasama sa “Y Speak” kaya maraming netizen ang nagrekomenda kay Alexa.

Unang-una nga raw, mayroon nang hosting experience sa two seasons ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” si Alexa.

Ito na rin daw ang tamang reunion project nina KD at Alexa o ng KDLex love team.

Huling napanood ang KDLex sa pelikulang “Co-Love” noong March last year habang 2024 naman sila huling napanood sa teleseryeng “Pira-Pirasong Paraiso” na huling proyekto nila sa TV bilang love team.

Makinig kaya ang management sa sinisigaw ng mga faney?

Naku sana nga dahil inip na inip na ang KDLex fans sa pagsasama uli nina KD at Alexa, ha!

Abangan! (Byx Almacen)