Katulad ng ibang mga kabataang artista ay nakita rin sa kilos-protesta laban sa katiwalian sa gobyerno si KD Estrada.
Ilang pictures ang pinost ni KD habang nasa EDSA siya.
Sey ni KD: “Come and take a stand in any way that you can para sa bayan,” na sinamahan niya ng Philippine flag emoji.
Binakbakan naman si KD ng mga papuri ng kanyang followers.
Ang ibang mga faney, dalawa sila ng ka-love team niyang si Alexa Ilacad na pinuri.
Hindi naman namin nakita si Alexa, pero may mga post siya sa kanyang Instagram Story.
Sey ni Alexa: Make corruption shameful again,” at marami pang ibang pinost ang singer-actress.
Pero tama naman si KD, kahit hindi ka makapunta sa rally ay puwede namang: “Take a stand in any way that you can.”
Agree?
‘Yun na! (Jun Lalin)












