WebClick Tracer

KD binida date kay Alexa

Simpleng picture nila ni Alexa Ilacad na may food sa table ang pinost ni KD Estrada sa kanyang Instagram Story pero sapat na iyon para kiligan ang KDLex fans, ha!

Dahil may bonggang food sa table, marami ang nag-assume na date ‘yon nina KD at Alexa.

Tsika nga ng mga faney, binida raw talaga ng binata ang pagsasama nila ni Alexa.

Sabi rin ng ibang mga nakausap namin, nakaka-feel good ang mga ganoong eksena kapag nagpo-post si KD. Obvious daw na very proud siya sa kanyang pagmamahal sa ka-love team, ha!

In fairness din, talagang swak na swak ang hitsura nina KD at Alexa sa isa’t isa.

Bagay talaga sila at kakaibang kilig ang hatid nila sa mga faney, ‘noh?!

Tsika naman ng iba pang mga faney, sana ay dalas-dalasan pa raw ni KD ang pagpi-flex kay Alexa.

‘Yun na (Jun Lalin)