WebClick Tracer

Napikon? BINI Mikha pumatol sa basher

Tila napikon si BINI Mikha Lim sa pang-uurot ng isang netizen sa kanya.

Pinatulan kasi niya ito kaya naman maraming aminadong fans ng BINI ang turn-off sa ginawa ni Mikha.

Obvious naman daw kasing nang-iinis lang ang netizen na nagtanong sa latest TikTok video niya kaya sana raw dinedma na lang niya ito or sinagot ng mas may class at mahinahon.

May katkatera ngang netizens na nagtanong kay Mikha ng “Bakit ka muna nandiri sa balut“ sa TikTok video ni Mikha habang todo hataw ito sa pagsayaw ng ’Folded’ ni Kehlani.

Sinagot ito ng miyembro ng Nation’s Girl Group ng “Aw kulang sa pansin ikaw? Sige na i’ll give it to you now lang para happy ka ha?“

Hindi bet ng cyber citizens ang pagiging ’patola’ ng singer-rapper ng sikat na P-pop girl group.

Disappointed daw sila at parang pinansin pa ni Mikha ang basher niya. Kung ano-ano tuloy komento ang pinaulan nila rito.

“Sana dinedma niya lang pero wala rin naman masama mag-reply pero sana with grace and class pa rin, siya pa naman pinaka sosyal sa grupo!”

“Had high hopes for Mikha kasi siya pinaka classy sa BINI tapos ganito sumagot!

“Money can’t buy class! Hindi pala totoong classy siya.“

“Need na talaga nila ng PR at Media training, parang di ko na bet ang Bini.”

Tulad ko, marami rin ang naghanap sa mismong TikTok video ni Mikha ng nasabing sagutan sa comment section pero mukhang deleted na ito. Screenshot na lang kasi ang nasa online world.

Mababasa sa comment section na marami ang naghahanap nito pero nabigo.

Nitong Biyernes ng umaga at habang sinusulat ito ay kulang-kulang isang milyon na nahahamig na views ng pinag-uusapang socmed reel.

As expected, palaban naman ang Blooms at fans ni Mikha sa mga bumabatikos sa bias nilang P-pop queens.

‘Yun na.