WebClick Tracer

Kasalang Jerald-Kim ‘di pa sure sa 2025

Si Jerald Napoles at ang pelikula nila ni Pepe Herrera na ‘Sampung Utos Kay Josh’ ang pambuena mano ng Viva Films ngayong 2025.

Inusisa nga namin si Jerald kung nape-pressure at stress ba siya na proyekto niya ang unang isasabak ng Viva sa mga sinehan on January 29?

Sey naman ni Jerald, hindi siya nape-pressure at stress, pero dahil sa biro raw ni Pepe na ang susunod na pelikula sa kanila ang dapat ma-pressure, biglang nag-dialogue ang bida ng ‘Sampung Utos Kay Josh’ na na-pressure at stress na rin siya dahil pelikula naman nila ng fiancée niyang si Kim Molina na ‘Best Before Love’ ang susunod na magsu-showing sa February

Pero siyempre happy raw si Jerald sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng Viva.

Aminado rin si Jerald na kailangang-kailangan din nilang mag-work ni Kim dahil malaki raw ang budget sa kanilang kasal.

Pangdagdag daw kasi ang mga kikitain pa nila sa gagastusin nila sa kasal.

Pero heto na, sabi pa ni Jerald, hindi pa naman talaga sila sure ni Kim kung kailan ba ang kasal nila. Sana nga raw ay ngayong 2025 na, pero hindi pa sure na sure ‘yon.

Mag-uusap pa raw sila ng wedding planner na kinuha nila kung kailan nga talaga magaganap ang kasal nilang dalawa ni Kim.

Pero siyempre, pinaplano na nga raw nila ‘yon at sigurado naman daw na mangyayari, ha!

Anyway, dahil sunod-sunod nga ang mga proyekto ngayon ni Jerald sa Viva ay talagang masasabing paborito siya ng nasabing film outfit, ha!

So bongga! (Jun Lalin)