WebClick Tracer

DongYan kinabog KathDen sa Google

Nadine Lustre na gaganap bilang nanay sa pelikulang Call Me Mother habang ibinibida ang kanyang hilig sa pagsusulat ng musika.Ang blockbuster movie nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na ‘Rewind’ ang nangunang Pinoy film sa Google Search sa Pilipinas.

Nilabas na nga ng Google ang listahan ng kanilang taunang #YearInSearch kung saan malalaman kung ano-ano ang mga nangunang sinearch ng mga Pinoy sa Google para sa taong 2024.

Sa Top Trending Searches for Movies ay nanguna ang Hollywood animated film na ‘Inside Out 2’ na sinundan naman ng Thai movie na ‘How To Make Millions Before Grandma Dies’.

Nasa pangatlong puwesto ang ‘Rewind’, ang tanging Pinoy film na nasa Top 5 kung saan kabilang din ang ‘Deadpool’ at ‘Damsel’.

Nasa Top 6 naman ‘GomBurZa’ na gaya ng DongYan movie ay isa ring official entry sa Metro Manila Film Festival 2023.

Pasok din sa listahan ang mga pelikulang Pinoy na pinalabas ngayong taon, ang ‘Un/Happy For You’ na nasa Top 7 at ‘Hello, Love, Again’ na nasa Top 9 naman.

Pasok din sa Top 10 ang mga original movie ng mga streaming app, ang ‘Saltburn’ at ang ‘Lolo and the Kid’.

Wala namang Pinoy content ang pumasok sa Top Trending Searches for Shows or Series na dinomina ng mga South Korean drama series gaya ng ‘Queen of Tears’, ‘Marry My Husband’, at ‘Lovely Runner’ na nasa Top 3.

Bonggels! (Byx Almacen)