Naghagulgulan sina Colet, Mikha, Maloi and Jhoanna ng girl group BINI bago pa buksan ang ilaw sa sinehan kung saan ginawa ang advanced screening ng kanilang ‘BINI Chapter 1: Born to Win’ docu series noong Setyembre 23 (Lunes).
Kahit na hindi namin sila nalapitan para tanungin kung bakit ganoon ang reaksiyon nila ay halata namang tears of joy ‘yon sa matagumpay na event at pagmamahal ng fans sa kanila — at tears of relief na rin.
Kasi nga naman, ang BINI girls ay mga fighters at survivors. At kitang-kita sa series ang hirap na pinagdaanan nila bago nakamit ang tagumpay.
Andiyan ‘yung muntikan na silang hindi matuloy at muntikan na ring hindi ituloy ang kanilang grupo. Ang mga mabibigat at masasakit na personal sacrifices nila na ginawa alang-alang sa grupo. At ang last-minute crisis na halos humadlang sa pagdaos ng kanilang first concert series sa New Frontier Theater a few months back.
Talaga namang pasabog ang docu series na to kahit pa sa hardcore Bloom dahil madami pala talaga tayong hindi pa alam sa Pambansang Girl Group, ha!
Very touching ang eksena sa loob ng sinehan that night. Habang nag-iiyakan kasi ang BINI ay chinant ng mga fans ang kanilang pangalan. Madami rin ang sumisigaw ng “We love you, BINI!” “Andito lang kami!” at “‘Di namin kayo iiwan!” na siyempre pa ay lalong nagpagulong sa luha ng mga girls.
Ang sarap din pagmasdan noong lapitan, aluhin at yakapin sila ng ABS-CBN top brass na si Direk Lauren Dyogi.
Siya lang naman kasi ang bumuo, sumugal, at ipinaglaban ang BINI lalo sa mga panahong wala na halos naniniwalang magbo-boom pa ang grupo. But look at BINI now!
Anyway, may mga nagtataka kung bakit aapat na lang ang dumalo sa last screening ng docu series that day. It turns out na Mondays pala ang rest day ng grupo na magmula nang pumutok ang ‘Pantropiko’ at ‘Salamin, Salamin’ ay literally araw-araw may ganap kung hindi pa nagtalaga ng rest day.
Yes, ganun ka in-demand ang Bini dito at maging sa ibang bansa. And as if naman hindi niyo alam?!
Pero siyempre, dahil nag-iyakan ang BINI girls na dumalo sa premiere ng kanilang docu series ayn tiyak na may mga gagawa na naman ng intriga, ha!
Pero siyempre, kailangang maging matatag ng grupo. Isipin na lang nila na dahil sa kanilang kasikatan ay kinaiinggitan sila at talagang naglipana ang kanilang mga basher, ‘no!
Anyway, ang ‘BINI Chapter 1: Born to Win’ ay mapapanood sa iWanTV starting September 26, 2024.
‘Yun na!












