WebClick Tracer

Ara malaki tiwala sa pagmamahal ni Marco kay Cristine

Lately pala ay madalas magkasama ang magkapatid na Ara Mina, Cristine Reyes.

Sa pakikipagtsikahan nga namin kay Ara ay naikuwento niya na usapan nila ni Cristine na dapat ay mas dalasan nila ang kanilang bonding.

Siyempre hindi lang ang mister niyang si Dave Almarinez ang nakakasama nila ni Cristine sa kanilang bonding, pati ang boyfriend ng kanyang sister ay kasama rin nila, si Marco Gumabao.

Masaya nga si Ara sa pagmamahala ni Marco sa kanyang sister.

Nasabi rin daw sa kanya ni Marco noon na matagal itong walang karelasyon dahil ang gusto ng aktor ay sobrang seryoso na ang susunod nitong girlfriend.

At siyempre, si Cristine na nga ‘yon.

Sa dialogue nga ni Ara ay masaya siya sa relasyon ngayon ni Cristine kay Marco.

Na malaki ang tiwala niya sa pagmamahal ni Marco kay Cristine.

Bongga!

Anyway, ongoing pa rin ang ‘Magandang ARAw’ talk show ni Ara sa Net25 at season 2 na sila.

“Pa-season 3 na rin kami. Nakapag-guest na nga rin si AA (Cristine) sa show,” sey ni Ara.

So nice!

(Jun Lalin)