Anyare na ba sa panliligaw ni JM de Guzman kay Donnalyn Bartolome?
Well, sa guesting niya sa ‘Magandang Buhay’ na kasama si Kim Chiu, inamin nga niyang hanggang ngayon ay nasa ligawan pa rin sila.
“Ang tagal ko nang nanliligaw. Baka naman,” panawagan ni JM kaky Donnalyn.
Kilig na kilig ang mga momshie sa pagsagot ni JM. Biniro pa ni Melai Cantiveros si JM na sasagutin na siya ni Donnalyn dahil sa ‘panawagan’ niya sa ‘Magandang Buhay’.
Sabi pa ni Melai, sana raw makabisita rin sa show nila si Donnalyn.
Si Kim naman ay nagbigay ng payo sa mga magkakarelasyon. Na dapat daw ay hindi nawawala ang communication.
“Communication talaga. Hindi naman kayo manghuhula. Dapat sinasabi mo talaga ang gusto mo.”
Anyway, ang dami ngang pumuri kina Kim, JM, Paulo Avelino sa bago nilang serye na ‘Linlang’ tulad ni Vice Ganda, na namangha sa nakita niyang mga ginawa ni Kim, ha! (Dondon Sermino)












