WebClick Tracer

Francine nakakalimutan ang sarili dahil sa pamilya

Bys AlmacenNakakabilib si Francine Diaz dahil napagsasabay niya ang kanyang pag-aaral at pag-aartista.

Sa August 8 episode ng ‘Magandang Buhay’, ibinahagi ni Francine ang kanyang buhay-estudyante na dahil sa pagiging busy sa showbiz ay online study na lang muna siya.

Ayon pa sa Kapamilya Gen Z actress, kahit daw malaki na ang kinikita niya bilang artista ay gusto niya pa ring tapusin ang kanyang pag-aaral dahil she feels powerful daw kapag may alam o pinag-aralan siya.

Nabahagi rin niya na mas priority niya ang responsibility niya bilang isang anak kaysa sa sarili niya .

“Top priority talaga ang family and then saka na lang ako,” sey ni Francine.

Ask naman ng isa sa mga host na si Jolina Magdangal, “Pero hindi mo nakakalimutan ang sarili mo?”

“Minsan po. Hindi ko naman ‘yun ide-deny, may mga pagkakataon talaga na nakakalimutan ko ang sarili ko, pero it’s okay as long as hindi ko nakakalimutan ang family,” sagot ni Francine.

Pinayuhan naman ni Regine Velasquez-Alcasid na okey lang ang ganung pag-iisip kapag sa ganung edad, pero huwag na huwag daw kalimutan ang sarili para magampanan ang responsibility sa family.

Samantala, may tatlong linggo na lamang ang viewers na mapanood si Francine bilang si Chiara dahil magtatapos na ang teleseryeng ‘Dirty Linen’ on August 25.

Bonggels!