WebClick Tracer

Lasing inagawan ng cellphone, nanaksak

Patay ang isang lalaki matapos mauwi sa madugong komprontasyon ang umano’y agawan ng cellphone matapos magkainuman sa Antipolo City, Rizal noong madaling-araw ng Huwebes.

Ayon sa pulisya, sinubukan umanong agawin ng suspek ang cellphone ng biktima habang ito ay nakaupo sa isang nakaparadang traysikel sa Sitio Eldorado, Barangay San Jose.

Nang pumalag ang biktima, hinambalos umano siya ng suspek ng kahoy sa ulo, dahilan upang gumanti ito at makailang ulit na manaksak.

Naawat pa ng isang saksi ang dalawa, ngunit habang inihahatid pauwi ang biktima ay bigla itong bumagsak at nawalan ng malay.

Isinugod ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor, habang ang sugatang suspek ay dinala rin sa parehong pagamutan na inaresto rin kalaunan. (Ronilo Dagos)