WebClick Tracer

Dahil sa text message, misis kinatay ng selosong mister

Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang mister ang kanyang misis sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Bayabasan, Barangay Bagong Pook, Sta. Maria, Laguna noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Jen”. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang kanyang asawang si Darwin na tumakas matapos ang insidente bandang alas-11:50 ng gabi.

Sa ulat, narinig muna ng kanilang mga kapitbahay ang pagtatalo ng mag-asawa bago sumunod ang krimen.

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na posibleng nagsimula ang alitan ng mag-asawa nang may mabasang text message ang suspek mula sa isang lalaking kilala nito.

Wala nang buhay ang biktima nang datnan ng mga awtoridad dahil sa mga tinamong saksak sa katawan. (Ronilo Dagos)