WebClick Tracer

AJ pinangalandakan sa FB Leyte trip kay Aljur

Super proud si AJ Raval na pinost sa kanyang Facebook account ang mga photo nila ni Aljur Abrenica.

Ni-repost pa nga niya ang mga photo na pinost ng Dorelco Facebook page, pati na ang tarpaulin na imbitado nga sila sa event na `yon, with Direk Cesar Soriano, at TnT grand finalist Reggie Tortugo.

Sa mga photo nga ay game na game sina Aljur at AJ na mag-photo op kasama ang mga taga-Leyte. Magkatuwang din silang dalawa sa ribbon cutting, opening, blessing ng DYAL Radyo Kidlat 90.3 Light FM sa Brgy. San Roque, Tolosa, Leyte noong Feb. 14.

Pero siyempre, katakot-takot na kantiyaw ang inabot nina Aljur at AJ, lalo na at nation nga na Valentine’s day ang event na `yon. Ang iba, sobra-sobra kung gumawa ng konklusyon sa ginawa nina Aljur at AJ noong araw na yon.

May iba na dinaan na lang sa biro ang pambubuwisit kina Aljur at AJ.

Heto nga ang chika ng mga fan na agad-agad ay hinusgahan ang dalawa:

“Two days of ribbon cutting. Honeymoon for real yiiii!”

“Ribbon cutting muna bago ang panty cutting!”

“Mahiya ka naman Aljur! Hindi ka na nahiya sa Padilla family.”

Pero siyempre, mas maraming nang-asar sa mga marites, dahil sa pagpapakalat ng tsismis ng kung ano-ano sa dalawa. Heto nga ang chika naman ng mga nakaintindi, o mga supporter nina AJ at Aljur:

“Yung mga marites diyan nagsasabing nag-hotel sila sa Leyte, haha kita niyo naman guest sila sa inauguration ng radio station doon. Oh, chismis pa more. Love you AJ!”

“Sa mga naninira diyan, tigilan iyo nay an. Hindi niyo ikayayaman yan. Kung ayaw niyo sa kanya, bakit kayo nandito sa wall niya? Keep safe Miss AJ, bayaan mo mga `yan!”

“Salamat AJ sa pagbisita sa aming lugar.”

“May dahilan naman pala kaya sila nandoon. Mga marites naman talaga oh. Kaloka kayo.”

“Kumusta naman mga kumareng marites? Pahiya kayo no! Makapang-judge lang, eh.”

Siyanga pala, si AJ Raval ang bida sa seryeng ‘Iskandalo’ na ididirek nina Roman Perez, Jr., Ring Perez, at bonggang-bongga na naman ang role niya, ha!

Sa kuwento, biktima ng sex scandal ang karakter ni AJ, at makalipas ang ilang araw, matatagpuan na lang siyang nakalambitin at patay na.

At ang tanong nga sa pelikula, sino ang pumatay sa kanya?

Bida rin sa ‘Iskandalo’ si Cindy Miranda, na nagsalita nang patapos, na hinding-hindi siya masasangkot sa isang sex scandal.

Pero, kung sakaling mangyari raw `yon, na mabiktima siya, mananahimik na lang siya at tatanggapin ang pagkakamali.

Kasama rin sa ‘Iskandalo’ sina Jamilla Obispo, Sean de Guzman, Jay Manalo, Pio Balbuena, Francis Magundayao, Carlene Aguilar, Arvic Tan, Christopher Roxas, Ayanna Misola, Angela Morena, Joonee Gamboa, Julio Diaz, Raul Morit, Rocky Salumbides, Evangeline Pascual.