Napa-yehey ang mga faney ng “ASAP XP” sa Pampanga nang mag-announce si Ogie Alcasid na tuloy na ang show nila sa lugar na iyon sa October 11.
Dapat kasi ay noong September 13 iyon gaganapin sa Lapid Arena sa Angeles City, pero pinotpone nga dahil sa labis na pagbaha.
Isa nga si Ogie Alcasid sa mga regular ng “ASAP XP” sa mga nag-announce na tuloy na tuloy na ang show nila sa Pampanga.
In-announce naman sa official “ASAP XP” Instagram account na isa sa mga magpe-perform sa Angeles City show nila ay si Piolo Pascual.
Siyempre, kasama rin ang “ASAP XP” regulars na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, at iba pa.
‘Yun na! (Jun Lalin)












