WebClick Tracer

Lea pinasalamatan BINI sa collab song

Puring-puri ng fans at casuals ang sobrang pagiging down-to-earth ni Lea Salonga.

Imagine, ang kauna-unahang Filipino na may star sa Hollywood Walk of Fame at international award-winning actress-singer pa ang nagpe-flex sa socmed kung gaano siya ka-thankful sa BINI para sa kanilang collab song na “A Parallel World” na theme song ng Dreamworks’ animated film na “Forgotten Island”.

Sunod-sunod ang Instagram post ni Lea kung saan pine-flex niya ang Amping Mix Orchestral version ng nasabing kanta, “Wapoosh! Look out for my song collaboration with BINI, ‘A Parallel World (Amping Mix)’.”

Nagpapasalamat din ang ating forever Disney Princess sa Nation’s Girl Group dahil sinabihan daw siyang cool ng mga ito nang mapakinggan nila ang teaser ng inaabangang collab song.

“Thanks to this collab with BINI, my inaanak thinks I’m cool. Hehehehehehehe,” sey ni Lea.

Siyempre, super proud ang mga faney ng P-pop Queens sa mga IG and Facebook posts na ito ni Lea.

Na-excite hindi lang fans ng BINI kundi pati ang international followers ni Lea. Bongga ang mga theme song na kinanta nito sa Disney animated films na “Aladdin” at “Mulan”.

Komento nga ng mga memang netizens, mukhang ang kanta raw na ito ang posibleng kumabog sa kasikatan na tinamasa ng signature theme song and thematic centerpiece ng Netflix animated film na “KPop Demon Hunters” na “Golden”.

Mapapakinggan na ng lahat ng kanta sa movie soundtrack kabilang na ang nasabing iconic collab ngayong Biyernes (September 18) sa lahat ng digital streaming platforms.

Bongga!