Aba, marami ang napa-wow nang makita ang post ni Lovi Poe na naka-black Balmain mini dress siya.
Labas na labas kasi ang kaseksihan ni Lovi kahit nga more than two months pa lang siyang nakakapanganak.
Ang bongga.
Marami nga ang nagsabing inggit sila sa beywang ni Lovi.
Aba, kitang-kita nga kasi na ang liit na agad ng beywang ni Lovi sa kanyang Balmain short dress na suot, ha!
Ibang klase nga raw si Lovi.
Ang sipag naman kasing mag-exercise ni Lovi at may fitness trainer din siya.
Anyway, kaya naka-Balmain mini dress si Lovi ay dahil um-attend siya sa isang fundraiser event ng nasabing brand.
Actually, mahilig talaga si Lovi na sumuporta sa mga fundraising event.
Sa Pilipinas nga ay may sinusuportahan ding children’s charity foundation si Lovi at minsan nga ay nakasama na rin kami nang pumunta siya sa lugar na ‘yon.
So nice! (Jun Lalin)












