Una sa Balita

Zuckerberg pagigisa sa US Congress

0 2,071

HANDA si Facebook founder Mark Zuckerberg na tumestigo sa US Congress hinggil sa data breach scandal na nagpanalo kay President Donald Trump noong 2016 elections.

Nakapagdesisyon na umano ang 33-anyos na CEO na humarap sa imbestigasyon ng Kongreso dahil na rin sa matinding pressure mula sa mga mambabatas, media at ng publiko.

Nagsimula ang lahat nang lumantad ang isang whistleblower at ibinuking ang ginawang­ pagnanakaw ng Cambridge Analytica sa impormasyon ng 50 Facebook user.

Ang Cambridge Analytica, isang kompanya na konektado kay Trump, ang sinasabing lumason sa isipan ng maraming botante para manalo ang negosyante.

Sa pagkakasangkot ng Facebook sa nasabing eskandalo, bumagsak ang halaga ng kompanya at nabawasan na rin ang tiwala ng publiko.

Inisnab naman ni Zuckerberg ang imbitasyon ng mga mambabatas mula sa Britain sa halip ay magpapadala na lang ng dalawang deputy sa hiwalay na imbestigasyon ng United­ Kingdom.