Una sa Balita

Zubiri naging kamukha na ni George Clooney

0 947

Matapos ang 22 araw na self-quarantine may bagong ‘look’ na si Senate Majorit Leader Juan Miguel Zubiri.

Naging kamukha lang naman niya ang American actor at filmmaker na si George Clooney.

Ngayong araw, Biyernes, nag-post si Zubiri ng kanyang latest photo sa kanyang Instagram na may caption na: “My 22 day isolation look and may Peg after his all done…New Life, New Lool”.

Sa naturang litrato, hindi nakaahit ang balbas at bigote nito at halatang bumagsak ang katawan nito.

Todo papuri naman ang kanyang mga followers na nagsabing guwapo pa rin ito. Ang iba naman ay nagbigay ng mensahe hinggil sa agarang paggaling nito matapos tamaan ang COVID-19.

Si Zubiri ang unang senador ang nagpositibo sa corona virus na sinundan nina Senador Aquilino “Koko” Pimentel at Senador Sonny Angara. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More