Una sa Balita

Zsa Zsa, World’s Ugliest Dog pumanaw na

0 556

Namayapa na si Zsa Zsa, ang English bulldog na kinoronahan bilang World’s Ugliest Dog noong nakaraang buwan. Siya ay siyam na taong gulang.

Namatay siya sa pagtulog noong Martes, ayon sa may-ari na si Megan Brainard.

“She’s been staying over at my dad’s house. He woke up this mornin­g and found her passed away,” ani Brainard.

“I’m still in shock…It’s kind of like when she won (the World’s Ugliest Dog contest). It’s been two weeks and I still don’t believe it. It’s probably going to be the same with her passing,” sambit pa ng may-ari.

Nagsagawa naman ng farewell ceremony ang pamilya sa pagkamatay ng alagang aso.

Noong Hunyo lamang, tinalo ni Zsa Zsa ang maraming kahalok sa kompetisyon sa Petaluma, Ca­lifornia, pinakita ng bulldog ang pinakapa­ngit niyang porma na laylay ang mahabang dila at bako-bakong ngipin.