Una sa Balita

‘Zsa Zsa’ wagi bilang World’s Ugliest Dog

0 557

Itinanghal na kam­peon ng World’s Ugliest Dog ngayong 2018 ang siyam na taong gulang na English bulldog.

Tinalo ng asong si ‘Zsa Zsa’ noong Sabado, ang 13 pang ibang kalahok sa kompetisyon na ginawa sa San Francisco Bay Area.

Rumampa sa red car­pet ang mga kahalok pero mas bumilib ang mga judge kay Zsa Zsa dahil sa nakatatakot nitong porma na lawit ang dila hanggang sahig at hindi pantay ang mga ngipin.
Tinalo ni Zsa Zsa ang strong contender na si ‘Wild Thang’, isang Pekingese.

Abante Hiring – IT dep

Nakuha ni Zsa Zsa ang premyong $1,500. Siya ay pag-aari ni Megan Brainard ng Anoka, Minnesota.

Noong nakaraang taon, nanalo bilang pina­kapangit na aso sa mundo, ang 57 kilogram na asong si ‘Martha’, isang Neopolitan Mastiff na laylay ang balat sa mukha.

Si ‘Sweepee Rambo­’ naman ang nanalo noong 2016, isang Chinese crested Chihuahua.

“I’ve had girlfriends over the years and they jealous of her,” kuwento ng amo ni Sweepe na si Jason Rambo.

Bagama’t papangitan ng kaso ang kompetisyon, sinabi ng mga organizer na isa itong paraan para iselebra ang mga alaga nilang aso, karamihan ay ni-rescue lamang sa mga shelter at puppy farm.