Una sa Balita

Zsa Zsa pinaiyak ni Bato

0 699

Nalungkot, umiyak si Zsa Zsa Padilla sa narinig niyang statement ni Sen. Bato dela Rosa kaugnay sa isyu ng hindi pagri-renew ng prangkisa sa ABS-CBN 2.

Binalewala nga raw kasi ni Sen. Bato ang 11,000 na trabahador ng Kapamilya network at mas binigyang-diin ang punto ng pana­nampalataya sa mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.

Idinaan ni Zsa Zsa sa tweet ang pagkadismaya sa itinuturing niyang sobra-sobrang pagka-bias ni Bato sa isyu, o kay President Rodrigo Duterte.

“Sa totoo lang naiiyak ako sa mga narinig kong salita. Napakasakit naman. Hindi biro na mawalan ng hanapbuhay. Hindi mo ito dapat gustuhin para sa kapwa mo at sabihing ikabubuti ito ng pangkalahatan. May maibibigay bang kapalit na trabaho? Paano?” sey ng Divine Diva.

“Paano naman po ang pamilya ng bawat isa sa 11,000? Kay dami pong sinusuportahan, pinapaaral, tinutulungan ng 11,000. May ipapalit po bang hanapbuhay para sa lahat? Parang hindi naman ­ganun kadali humanap ng trabaho?” saad pa ni Zsa Zsa.

Ang siguradong pagkagutom sa pamilya ng mga nagtatrabaho sa Kapamilya, kaya marami ang nanggigil sa pahayag ni Sen. Bato na nagpapakita ng kawalan nito ng awa sa mawawalan ng ikabubuhay na 11,000 manggagawa ng network.

Ogie inaway si Mocha

Inalmahan ng ta­lent ma­nager-actor na si Ogie Diaz ang pagsawsaw ni OWWA administrator Mocha Uson sa utos ng Supreme Court sa ABS-CBN na sagutin ang inihain na quo warranto mula sa opisina ng Solicitor ­General.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Mocha na tigilan na ang maraming drama ng ABS-CBN at sagutin na lang ang inihaing kaso laban sa kanila.

“Ang dami nang propagandang inilabas ng ABS-CBN na nagpapaawa pero ang sagutin ang korte hindi magawa-gawa. Stop the drama answer the ­allegations,” sey ni Mocha.

Gigil namang sinagot ito ni Ogie at mariing nanawagan kay Mocha na maglabas ito ng mga ­accomplishment niya sa nagawa niya sa mga OFW bilang bahagi ng OWWA.

“Ateng mas bongga kung ang iri-release ay yung bilang at kung ano ang naitulong mo sa mga ofw since admin ka,” hirit ni Ogie.

Marami ang bumatikos kay Mocha at naipukol na masasakit na salita gaya ng “boba” at walang karapatan sa kahit anong posisyon sa gobyerno. At mas marami pa nga ang bumira at nanlait sa kanya ngayon.

Pia, Barbie
patalbugan ng boobey

Lumaban ng pala­kihan ng boobs si Barbie Imperial kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Parehong naglabas sa kani-kanilang ­Instagram ang dalawang Kapamilya star ng mga clea­vage photos nila kaya naman nagkaroon ng comparison sa ­dalawa ang mga netizen.

Ang larawan ni Barbie ay kuha sa bakasyon niya sa beach. Naka-two piece si Barbie at pa-selfie ang pagkakakuha sa sarili, kaya naman malapitan na nakuhanan ang kanyang dibdib na busog na busog sa laki na natatakpan ng suot niyang swim bra.

Si Pia naman ay nasa isang event sa New York habang suot ang isang labas-cleavage na suot na black gown. Kitang-kita na magkadikit ang boobs ni Pia sa masakip na suot nito dahil semi-side ang pagkakakuha sa kanya nang close-up.

Parang puwet na nagdikit ang mga “bola” ni Pia. Pero sa mata ng iba, lumaban ng pagandahan ng hubog at lusog ang boobs ni Barbie na bilog na bilog.

Bata, mestisa, sariwa at walang makeup sa photo posting niya si Barbie kaya marami ang pumuri sa kagandahan niya. Kay Pia naman, gi­ven na ang pagkakaroon niya ng mala­king boobs kaya sanay na sa kanya ang netizen mula pa sa pag-alog ng kanyang mga “alaga” sa Miss U pa­geant hanggang sa mga bikini shots nito sa social media.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More