Una sa Balita

Zsa Zsa natulala sa kaguwapuhan ni Hyun Bin

0 1,290

Ang tuluyang paggaling ni Iza Calzado ang isa sa mga laman ng Twitter ni Zsa Zsa Padilla. Hanggang sa sinusulat nga ito ay naghihintay pa rin ng resulta sa kung ano ba talaga ang tunay na sakit ni Iza.

At marami namang tagahanga, mga taga-showbiz ang nag-alay ng dasal para kay Iza.

Hiling din ni Zsa Zsa sa mga Kapamilya ang patuloy na panalanganin para matapos na ang problema sa COVID-19.

“Kapamilya, patuloy lang po tayong manalangin.

“Kapit lang. Ililigtas tayo ng ating Panginoong Maykapal,” sabi ni Zsa Zsa.

Kasunod nito ay nag-promote na rin siya ng kaganapan sa ASAP.

“Catch d worldwide premiere of “Ililigtas Ka Niya” on ASAP n all digital platforms March 29 All artists’ royalties frm this song will be donated to “Pantawid Ng Pag-ibig.”

Pero siyempre, sa mga ganitong pagkakataon, kailangan pa rin natin ang maaliw, kiligin. At sa panahon ngayon, isa rin si Zsa Zsa sa mga babaeng tila hihimatayin sa kaguwapuhan ni Hyun Bin, na bida ng Crash Landing On You.

At makikita nga ang video ni Hyun Bin na nagsasalita sa Twitter account ni Zsa Zsa.

“Natulala ako sa gwapo nya at kahit gawin pang English or Tagalog, Wala pa din akong maiintindihan. #Hyunbin.”

Aliw, di ba? (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More