Una sa Balita

Zsa Zsa, ‘napayosi’ sa talak ni Direk Joel 

By
0 103

Natalakan na pala si Zsa Zsa Padilla ni ­Direk Joel Lamangan nu’ng umeere ang Star Drama Presents noon. Dahil sa nerbyos, napasindi siya tuloy ng sigarilyo, huh!

Kaya naman sa muli nilang pagsasama sa comedy movie na Bes and the Beshies mula sa CineKo Productions, kapag naririnig niyang lumalakas ang boses ng direktor, hindi na siya natataranta pa.

“Sanay na ako kay Direk Joel. Kaya nu’ng kunin ako sa movie, kahit mahirap ang role ko dahil bisaya ako at sinasabi­ niyang hindi dapat mawala ang punto­ ko, kalma lang ako. Hanggang ganoon­ lang naman siya! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Zsa Zsa sa grand mediacon ng ­pelikula.

Kasama ni Zsa Zsa sa unang pagkakataon­ si Ai Ai delas Alas sa pelikula. Umiral ang paghanga niya sa Comedy Queen habang nagsu-shooting dahil super-nood sila ng co-stars ­niyang sina Carmi Martin at Beauty Gonzales na bilib na bilib sa husay sa komedya ng Reyna ng Komedya.

Mapapanood sa Oktubre 18 ang Bes and the Beshies na idi-distribute ng Regal Entertainment. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy