Una sa Balita

Zsa Zsa nakakalula ang ‘melon’

0 617

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloy

Habang abala ang ibang mga Kapamilya star sa pagbibigay-pugay sa ABS-CBN 2, sa nagawa ng network sa kanilang karera at sa pagbabago ng kanilang buhay, marami rin naman ang nagbigay-pugay sa pasabog na kaseksihan nina Zsa Zsa Padilla at Denise Laurel.

Humakot ng atensiyon ang dalawang Kapamilya star sa pagla-lantad nila ng kanilang mga bikini photo sa social media.

Sa edad ni Zsa Zsa ay punong-puno pa rin ng asim ang kanyang kaseksihan na puwedeng pagkabaliwan ng mga mas bata sa kanya. Makikita sa post niya ang ilang larawan na suot ang itim na one-piece bathing suit habang naglulunoy sa malinaw na tubig sa Palawan.

Hindi puwedeng isnabin ang mga larawan ni Zsa Zsa lalo at parang melon sa laki ang dibdib ng tinaguriang Divine Diva. Umaalsa sa suot nito ang cleavage ng actress-singer na animo’y mga malalaking alon sa dagat.

Nakakalula sa kabusugan ang mga dyoga ni Zsa Zsa, pero nakakauhaw naman sa pani-ngin ng mga kalalakihan.

***
Puwet ni Denise pantapat sa mga Kardashian

Samantala, nagkalat naman ang puwet ni Denise sa back-shot photo nito habang nakaupo sa gilid ng pool. Lumatag sa concrete-tile pavement surface ang bumper ng actress-singer na talagang kapansin-pansin sa suot nitong high-cut swimsuit.
Kilala si Denise at walang tatalo sa kanya kung palakihan lang naman ng behind ang pag-uusapan. Puwede nga itong ihilera sa mga Kardashian sa usapang sexy-booty dahil sa katangian niyang ito.
***

Nanay ni Ai Ai inoperahan sa puso

Nabunutan na ng pag-alala sa kanyang dibdib at nakakangiti na si Ai Ai delas Alas ngayong successful ang heart surgery ng kanyang ina. Pinoste ni Ai Ai ang selfie photo niya na kuha sa Heart Center, QC kung saan isinagawa ang operas-yon ng nanay niya.

Kasama ni Ai Ai sa l­arawan ang ilan sa me-dical team na gumawa sa kanyang ina. Isa itong paraan ni Ai Ai sa malaki niyang pasasalamat na naitawid ng mga ito ang buhay ng nanay niya.
Pinasalamatan din ni Ai Ai ang Diyos sa bles-sing na ibinigay nito sa kanila. Hindi na binanggit pa ni Ai Ai ang detal-yadong medical procedure na ginawa sa ina.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy