Una sa Balita

Zozibini inalat, Catriona wapakels: Korona ng Miss U type ibalik kay Pia Wurtzbach!

0 858

Inilunsad kamakailan ng Miss Universe organization ang #UniverseUnited.

Layunin nito na magkaisa ang sangkatauhan at alamin ang kalagayan ng bawat isa sa mundo sa panahon na lugmok ang mundo sa delubyong hatid ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Agad namang tumugon dito si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

“Pilipinas… let’s come together and be #UniverseUnited.

“We’re all united while we’re apart. We want to hear your stories! Here’s how it works:

1. Take a selfie video showing us what you’ve been up to

2. Upload the video in a direct message to @missuniverse on IG

3. Share the video to your account and hashtag #UniverseUnited.”

Nag-post din si Pia ng video na ipinapaliwanag kung paanong makatutulong sa bawat isa ang paglahok sa kampanyang ito ng Miss Universe organization. Virtual support system nga umano ito dahil magkakalayo sa ngayon ang bawat isa.

“Napakalaking tulong din po kung makakapag bigay tayo ng donasyon para sa mga nangangailan. Mayroon pong paraan na magagawa niyo ito online through the COVID -19 Solidarity Response Fund c/o the World Health Organization. Ang link po ay nasa bio ko. Sa tulong niyo po, marami pa tayong matutulungan,” dagdag pa ni Pia.

Kapansin-pansin naman na hindi aktibo sa kampanyang ito si Miss U 2018 Catriona Gray. Sa kanyang Instagram at Twitter account ay mistulang dedma ito.

Si reigning Miss Universe 2019 Zozibini Tunsi ng South Africa naman, mistulang minalas dahil sa panahon na hawak niya ang korona ay hindi naman siya makalabas upang tumulong sa mga adbokasiya ng MUO. Posible pa nga raw na manatili sa kanya ang korona nang higit sa isang taon lalo’t napipintong ma-postpone ang beauty pageant sa lagay ng mga pangyayari sa ngayon sa buong mundo.

Tinatabangan ang mga netizen at tila natutulog sa pansitan si Zozibini. Hindi raw niya deserved ang korona ng Miss U.

Ilan tuloy ang napapaisip na sana, ibalik na lang ang korona kay Pia Wurtzbach, na isa sa mga well-loved Miss Universe hindi lang dito sa bansa kundi sa buong mundo. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More