Una sa Balita

Zion nag-Shaq Attack, ring bumaliko

0 451

SWAK ang laro ni Zion Williamson sa All-Star weekend.

Dahil wala naman talagang depensa sa mga laro tulad ng Team USA vs. Team World, sinamantala ng New Orleans Pelicans top rookie ang pagkakataon para ipakita ang mga eksplosibo niyang galaw sa ibabaw ng basket.

Hindi nagkulang sa highlight dunks, pamatay ang koneksyon nila ni Ja Morant ng Memphis Grizzlies. Makailang beses kinumpleto ng slam ni Williamson ang alley-oop ni Morant.

Isa rito ang between-the-legs alley-oop ni Morant.

Pero ang payanig ni Williamson, dumating sa ­pamamagitan ng solo dunk.

Sa dulo ng second quarter, binatuhan ni Trae Young ng Atlanta Hawks si Williamson. Walang nakaharang sa dadaanan niya papunta ng basket, malakas na kinaliwa ni Williamson ag dakdak. Simpleng dunk sa unang tingin, pero nang sipatin ay nakita ang diperensya.

Sa sobrang lakas ng jam, tumagilid ang backboard sa United Center sa Chicago. Tagilid.

Parang wala lang, pero kinailangang ayusin ang backboard para ibalik sa pagkakapantay.

Ang tindi ng parusang tinanggap ng backboard kay Williamson.

Si Shaquille O’Neal ang huling player na nakitang grabe kung mang-abuso ng backboard noong ‘90s. May backboard na nadurog nang maglambitin si Shaq matapos ang two-handed slam. Pati poste, yumuko sa kanya.

Sayang, hindi kasali si Williamson sa Dunk Contest ngayon.

Sa 285 pounds, isa sa pinakamabigat na players si Williamson para sa kanyang 6-6 height. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More