Una sa Balita

Zia Dantes pinuri sa pagtulong sa mga biktima ng lindol

0 589

Natuwa ang lahat nang makita ang Facebook post ng isang fan, na kung saan ay makikita si Zia Dantes na tumutulong sa kanyang nanay na si Marian Rivera sa pag-eempake ng mga ‘goods’ na ibibigay sa mga biktima ng lindol sa Davao, o sa Mindanao.

Makikita nga si Zia na tuwang-tuwa habang hawak-hawak ang mga plastic na nilalagyan niya ng mga de-lata, kape, at iba pang mapapakinabangan ng mga biktima.

Sabi nga ng mga fan, sa murang edad ni Zia ay naturuan na ito ng kanyang mga magulang ng napakagandang asal, at ‘yun nga ay ang maging mapagbigay, tumulong sa kapwa, lalo na sa mga nangangailangan, o mga biktima ng kalamidad.

Maganda rin ang naiturong ugali ni Marian kay Zia, na dapat ay matuto itong tumanggap ng pagkatalo. ‘Di ba nga, sa isang contest na sinalihan nito sa kanyang school, bagama’t natalo ito sa national costume, at nalungkot ito, naipaliwanag nang mabuti ni Marian sa bata na hindi naman masama ang tumanggap ng pagkatalo, dahil ang buhay nga, minsan ay panalo ka, at minsan ay talo ka. Dahil sa magandang eksplanasyon ni Marian kay Zia, naunawaan daw agad ng bata ang gusto niyang sabihin, at napangiti na lang ito.

Anyway, heto nga ang komento ng mga netizen sa napakagandang asal ni Zia:

Mary Jean Rueda: “So adorable, maasahan na at her young age.”

Julieta P. Manio: “God bless ur family dongyan.god bless u more and more.”

Ester Silva: “Marian and Dingdong…ur a very good example to Zia.”

Well, sana nga, ang lahat ng bata, na sa murang edad pa lang nila ay mamulat na ang puso at isip nila na mas maganda ang tumulong. Sana ay tularan si Marian ng kanyang mga fan, sa kung paano niya palalakihin o pinalalaki ang kanilang mga anak ni Dingdong. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy