Una sa Balita

ZIA AT DAD NI MARIAN, MEGA-BONDING SA SPAIN!

By
0 3
Zia at Lolo
Zia at Lolo

Mega-bonding na agad ang mag-lolo na sina Mr. Francisco Javier Gracia, tatay ni ­Marian Rivera, at si Baby Zia (anak nina Marian at Dingdong Dantes), sa unang pagtatagpo nila sa Madrid, Spain.

Makikita nga sa IG stories ni Marian ang pagkarga-karga ni Daddy Francisco kay Baby Zia. At si Baby Zia, parang ang tagal-tagal na niyang kilala ang lolo niya, dahil todo-smile talaga siya kapag kasama ito.

Abante Hiring – IT dep

Makikita rin ang pakiki-bonding ni Zia sa mga kamag-anak niyang mga bata sa Spain. Nakiki­paglaro, at nakikipagkulitan na nga ang bata, kese­hodang ngayon lang niya nakaharap ang mga ‘yon.

Kunsabagay, sabi nga ni Marian, ‘yun ang maganda kay Zia, dahil hindi namimili ng sasamahan. Madali raw makapalagayan ng loob ang bata.

Anyway, maram­i naman ang naaliw, na hanggang Spain, bitbit ng mag-ina ang kanilang #AyMayDagaPose. Ito nga ‘yung nakataas ang kanilang mga paa, habang naglalakad, o uma­akyat sa kalsada.

At bongga nga, dahil feel na feel talaga ni Zia ang ganung eksena, ha! Mga eksenang ­hindi pinakakawalan ni Dingdong, na sa bawat pagtaas ng mga paa ng kanyang mag-ina, klik agad sa ­kamera niya.

“They’re at it again! The #AyMayDagaPose in @marianrivera’s birthplace. #aroundZworld #puertadealcala,” tsika ni Dong.

Kaya ang mga followers nila, sobrang aliw na aliw…

“@mcdhangzkie: @dongdantes idol, sana ­kayong tatlo mag #AyMayDagaPose??? gusto naming makita yon..hehe.”

“@dacnee456” Hanggang Spain ba naman may daga pa rin kayong dala. Buti nd pa patay?”