Una sa Balita

Zhang ideklarang undesirable alien – senatoriable Arias

0 440

Pabor ang abogadong pastor na si Mar Arias, tumatakbong senador sa partido ng Labor Party Philippines na ideklarang undesirable alien ang Chinese na nasangkot pagsasaboy ng taho kay PO1 Willian Cristobal­ sa isang MRT station.

“Malinaw na pambabastos sa ating kapulisan ang nangyari kaya nararapat lamang na ideklarang undesirable alien si Jiale Zhang,” ani Arias.

Ang plataporma ni Arias ay wakasan ang endo para sa manggagawa, dagdagan ang benepisyo para sa mga senior citizen at isulong ang bagong saligang batas para sa pederalismo.