Una sa Balita

Zero visibility sa kalsada: Truck driver dedo, 3 sugatan

0 333

NASAWI ang isang driver nang buma­ligtad ang minamaneho nitong truck matapos suungin ang zero visibility sa highway sa Calamba City Lunes ng madaling-araw habang kasagsagan ng pag-alburuto ng Bulkang Taal.

Naipit sa kanyang truck ang ang biktimang si Gilbert Briones, ­residente ng Sto. Tomas, Batangas, na nagresulta sa pagkamatay nito.

Sugatan naman ang tatlo pang sakay ng truck kabilang ang mga ­pahinanteng sina Jovin Daen at ­Reymar Daen at ang misis ng ­biktima na si Charity Flores.

Batay sa report ng Calamba City Police, patungo sa direksyon ng Maynila ang truck nang bumaligtad ito sa kurbadang highway sa Brgy. Paciano Rizal ala-una ng ­madaling araw.

Ayon sa mga imbestigador, ­madulas ang kalsada dahil sa mga nagbagsakang abo mula sa ­pagsabog ng Bulkang Taal noong Linggo.

Posible umanong hindi ­napansin ng driver ang kurbada dahil sa ­dilim ng paligid na noon ay halos zero ­visibility sa Laguna. (Ronilo ­Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More