Una sa Balita

Zero ecstasy target sa Sinulog

0 294

NAGBABALA ang ­Phi­lippine Drug ­Enforcement ­Agency in ­Central Visayas (PDEA7) sa publiko lalo na sa mga party goer na ­mag-ingat sa pagtanggap ng mga inumin mula sa hindi kilalang tao sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Sinulog Festival sa Cebu.

Base kasi sa ­inisyal na ulat na ­natanggap ni PDEA Regional ­Director Wardley Getalla, ­posible umanong bumaha ng mga party drug sa na­sabing selebrasyon dahil sa inaasahang dadagsa ang mga bisitang magpupuntahan dito.

Ang anunsyo ni ­Getalla ay kanyang ­ginawa sa ­paglulunsad ng ‘Oplan EcstaNo’, na ang hangarin ay ang pagharang sa ­posi­bleng pagpasok ng mga ­iligal na droga ­partikular ang ecstacy o ­tinatawag ding rape drug sa weeklong na Sinulog ­festival na magsisimula sa ­Enero 17.

Inihalimbawa rin ni Getalla ang insidente ng pagkamatay ng 19-an­yos na dalaga matapos umanong ma-overdose sa ecstasy ng dumalo ng party sa Sinulog ­festival ilang taon na ang na­kalipas.

Target din ng PDEA ang zero casualty sa drug related case ­incident ngayong taon kaya magsasagawa sila ng mahigpit na seguridad sa mga magaganap na mga party na may kaugnayan sa Sinulog festival.

May mga ilang ­party organizer at bar ­owner na rin umano ang kanilang ­nakausap at humingi ng ­tulong sa kanila upang ­mabigyang ­seguridad ang kanilang mga ­aktibidad.

Bukod sa mahigpit na seguridad ay apat na K9 na aso ang kanilang ikakalat upang ­mag-ikot sa mga ­isinasagawang pagdiriwang habang ang dalawang natitira ay kanilang ilalagay sa pantala ng Cebu City. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More