Zero budget sa CHR, unconstitutional

By

Labag sa 1987 Constitution ang binabalak ng mga kongresista sa pangunguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez na bigyan ng zero budget sa 2018 ang Commission on Human Rights (CHR), ayon kay Sen. Risa Hontiveros.

Katwiran ni Hontiveros, may fiscal autonomy ang CHR bilang isang tanggapan na nilikha ng Konstitusyon kung kayat hindi maaaring ipitin ng mga mambabatas ang kanilang budget.

“The plan by some legislators to cut to zero the Commission on Human Rights’ 2018 budget is unconstitutional. The CHR, like other constitutional commissions, such as the Office of the Ombudsman, and the judiciary, enjoys fiscal autonomy. It cannot be defunded. A zero budget for CHR means zero human rights for the people,” diin ng senadora.

Itinulak ng pinuno ng Kamara at ibang kaalyado ng majority bloc ang ‘zero budget’ sa CHR dahil pinag-iinitan umano ng ahensiya ang ‘war on drugs’ ng Duterte administrasyon, samantalang hindi naman iniimbestigahan ang mga napapatay ng drug lords at mga tulak ng droga.

Giit ni Hontiveros, sablay ang dahilan ng liderato ng Kamara

“Some lawmakers ridiculously accuse the CHR of defending criminals. They say that the CHR is silent on innocent civilians victimized by these criminals?? Let me remind my fellow legislators that the mandate of the CHR is to ensure that there will be no abuse or negligence on the part of the government in protecting and upholding the rights of all the citizens, especially the marginalized,” pahayag ni Hontiveros.

SHARE