Una sa Balita

ZDMC ng DMCI pinagtutulungang kalbuhin ang bundok sa Zambales

By
0 1,183

Tutal ay in ngayon ang isyu sa pagkalbo ng bundok, isang post sa Facebook ang nakaagaw sa atin ng pansin.

Ito ay ang post sa FB page ni G. Randy Datu.

Ang caption niya sa isang sinisimulang kalbuhing bundok sa bahagi ng Brgy. Acoje sa Sta. Cruz, Zambales ay ganito:

Abante Hiring – IT dep

“Ang CUTE na ng bundok at halos mapatag na, kung saan nag ooperate ang Zambales Diversified Metals Corporation (ZDMC) (na nasa ilalim ng panga­ngasiwa ng DMCI) katatawag nanaman ng mga residente sa akin ngayong 7:40am, May 19, 2018 na humihingi ng tulong na sana ay umakyat sa kanilang area at makita ang ginagawang pagwasak ng kanilang Watershed sa itaas na bahagi ng kanilang mga tirahan na magiging delikado ngayong darating na tag-ulan, ayaw na daw nila umano maulit ang dating nangyari sa kanilang kapamilya na namatay at natabunan ang buong pamilya dahil sa mga bundok na kanilang ino-operate.”

Ayon pa sa post, ang latest umanong kaganapan ay minamadali nang maibaba ang panibagong stockpile na naipon dahil malapit nang umupo ang nanalong kapitan sa lugar na nasasakupan ng kanilang operasyon.

Dagdag na impormasyon pa, nasa 20 pa lang na dump truck ang nagha-hauling sa itaas at maaaring mag-full-operation sa darating na Linggo.

In fairness naman sa ZDMC ng DMCI, may hawak naman silang ore transport permit (OTP) ang problema lang galing ito sa national government.

Kaya ang malaking sakit ng ulo nila nga­yon ay kung papaano sila makabayad ng permit sa kapitolyo dahil siguradong tatablahin sila ni Zambales Gov. Amor Deloso. Galit kaya si gov sa mga abusado lalo na sa mga naglalapastangan sa kalikasan.

At dahil detalyado na ang pag-abusong nangyayari sa kabundukan sa Sta. Cruz, Zambales, alam kong hindi ito hahayaang magpatuloy ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu at siyempre ng kanyang mga undersecretary at assistant secretary, hindi ba Usec. Benny Antiporda?

Hindi kasi magandang pakinggan na nakakuha sila ng OTP sa national pero sa local government ay hindi sila makagalaw dahil siyempre bantay-sarado ng mga taga-Zambales.

Habang kung sino namang kasapakat ng dalawang kompan­ya sa national government kaya nakakuha ng OTP ay tiyak na nagbi­bingi-bingihan at patay malis­ya sa mga kaganapan.

Kaya dapat hindi makalusot ang mga ito, bukod sa pagpapatigil sa kanilang kalokohan ay panagutin din sila sa pang-aabuso sa kalikasang kanilang ginagawa