Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Zarate kinondena tapyas-budget sa PGH

0 230

Dismayado si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate sa ginawang pagtapyas ng Department of Budget and Management (DBM) sa pondo ng Philippine General Hospital (PGH).

Mula sa P6.87 bilyon budget ng DOH ngayong 2021 ay bumaba ito sa P5.67 bilyon para sa susunod na taon.

Sa deliberasyon ng Kamara kaugnay sa panukalang 2022 national budget, iginiit ni Zarate na ang PGH ang itinuturing na `premier hospital’ sa bansa at isa sa pinakaabalang pagamutan ngayong COVID-19 pandemic ngunit kinaltasan pa ang pondo nito.

Nangako naman ang House committee on appropriations na taasan ang pondo ng PGH o ibalik sa kaparehong budget nito ngayong 2022.

Lumitaw na ang natapyas na budget ng PGH ay ang capital outlay na para sana sa equipment, pabahay sa mga nurse at iba pang pangangailangan ng pagamutan. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.