Una sa Balita

Zaragosa, Constantino seryoso sa titulo

By
0 807

Pupukpok si former national champion Rupert Zaragosa na sikwatin ang korona sa magaganap na 2018 Philippine Men’s and Women’s Amateur Open Golf Championships na magsisimula ngayong araw sa Ri­viera Golf Club sa ­Silang, Cavite.

Sisikapin naman ni Tom Kim ng Korea na magpakitang-gilas dahil para sa kanya ay gamay nito ang course na gagamitin.

Nais ni Kim na doblehin ang kanyang performance matapos ang seven-stroke setback laban kay Sadom Kaewkanjana sa nakaraang taon, hindi kasali ang Thai nga­yong taon.

Hahataw din sina Aniceto Mandanas at Carl Corpus kasama si Judson Eustaquio na nakipagkampihan kay Tonlits Asistio para hablutin ang korona sa National Pro-Am sa nakaraang Oktubre.

Kalahok pa sina Kristoffer Arevalo, Luis Castro, Aidric Chan, Weiwei Gao, Gab ­Manotoc, Paolo Wong at Don Petil.

Samantala, mapapalaban si Hee Ji Kim ng Korea kontra local ace at 2016 winner Harmie Constantino sa women’s side na desididong mabawi ang trono.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy