Una sa Balita

Zanjoe pinaligaya ni Josie sa Siargao

0 327

Last month pa nagdiwang ng kaarawan ang hunk na si Zanjoe Marudo, pero tila may nagpahabol pa ng regalo para sa aktor! Nakatanggap ito ng surfboard mula sa kanyang girlfriend na model na si Josie Prendergast, na isa ring surfer.

Habang nasa bakasyon nga sa Siargao ang aktor, masaya niyang ibinahagi sa kanyang Instagram na nakatanggap siya ng “best gift ever”.

Ayon pa kay Zanjoe, ito ang kauna-unahang beses na may nagbigay sa kanya ng surfboard.

Samantala, wala pang paglilinaw mula sa aktor o kahit mula sa modelo kung opisyal na ba silang magdyowa. Pero nitong Abril lang nang mai-spot-tan nga ang dalawa na magkasamang nag-i-enjoy sa Hong Kong. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy