Una sa Balita

Zanjoe, Daniel ‘holding hands while walking’ sa Japan

By

Nagladlad na silaaaaa!

0 6,630

Nagladlad na nga ba si Zanjoe Marudo? Miyembro na ba siya ng Bekilandia?

Sa isang picture na siya rin ang nag-post na going viral nga­yon, makikita siya na may ka-holding hands ­habang naglalakad.

Nakatalikod sila, ­pero kitang-kita ang sweet na pag-i-interlock ng dalawang kamay na kung malisyoso kang tao, sasabihin mo talagang may namamagitan sa dalawa.

Ang kalokah nga lang, hindi isang ­babae kundi isang lalaki ang ka-holding hands ­niya, noh!

Naku, hindi kaya magwala nito si ­Bela Padilla? O, mapa-‘OMG’ ang mga ex niyang ­sina Mariel Rodriguez, ­Bianca Gonzales at Bea Alonzo?

Kalurks din talaga!

Anyway, nagpahulaan na ang lahat kung sinex ba etong lalaki sa buhay niya?
Ang popular choice ay si Daniel Padilla ­kaya nga nabuo raw ang ‘loveteam’ na ZaNiel.

Ano naman kay ang reaksiyon dito ­nina Kathryn Bernardo at Queen Mother Karla Estrada?

‘Yun nga lang, bago nga raw akusahan na magdyowa ang dalawa at sabihin ngang vaklush si Zanjoe, marami na kaagad ang nagtanggol sa dalawa.

Alam nilang joke time lang ito sa dalawang Kapamilya actors na mag-buddy-buddy sa totoong buhay, noh!

Walang ibig sabihin ang pic na ‘yun na mukhang kuha sa Holi­day getaway ng grupo at mga magtu-­tropa sa Japan.