Una sa Balita

Zamboanga port, todo higpit ang seguridad

By
0 105

Makalipas ang pagka­kaaresto sa tatlong kasapi ng bandidong Abu Sayyaf­ Group (ASG) noong ­Biyernes, todo higpit sa seguridad ang ipinatutupad ngayon sa Zamboanga­ City Port.

Nakalatag ang checkpoint ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army mula sa mga kalye pa lamang patungo ng nasabing ­pantalan.

May mga nakaabang naman na mga security personnel katuwang din ang mga pulis at sundalo para sa inspeksyon sa mga pasahero at mga bagahe bago umakyat sa mga sasakyang pandagat.

Samantala, nakabantay naman ang mga tauhan ng militar na pawang mga armado ng matataas na kalibre ng baril at ­Philippine Coast Guard (PCG) sa mga bumababang­ pasahero mula sa mga dumarating­ na barko galing ng ­Isabela, Basilan, Jolo, Sulu at iba pang lugar.

Katuwang din sa pagbabantay ang mga K-9 units at bomb squad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More