Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Zambo Sur mayor nakaligtas, aide dedo sa ambush

0 248

Isa ang nasawi sa nangyaring pananambang kay Pitogo, Zamboanga del Sur Mayor James Yecyec Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay Police Capt. Junar Yap, Pitogo Police chief, dalawang lalaki na naghihintay malapit sa bahay ni Yecyec sa Barangay Poblacion ang namaril habang papalapit ang mga convoy ng motorsiklo ng alkalde.

SM food to go Banner Ad

Nakaligtas sa ambush si Yecyec pero napatay ang kanyang aide habang isa pa ang sugatan.

Tinamaan si Selverio Ediang sa kanang braso habang iba’t ibang tama ng bala sa katawan ang tinamo ni Margarito Yangyang.

Tinakbo sila sa isang ospital sa Pagadian City kung saan dineklarang patay si Yangyang.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.